News & Events


Villar nakiisa sa Green SONA

By Niño Aclan 

Posted : wednesday, 29 August 2012

Published from: hatawtabloid.com  (http://hatawtabloid.com/index.php?option=com_content&view=article&id=45953%3A-villar-nakiisa-sa-green-sona&catid=34%3Acatfrontpage&Itemid=65)

NAKIISA si Villar Foundation Managing Director Cynthia Villar sa Green SONA (State of the Nature Assessment)  upang sa ganoon ay matiyak na mapangalagaan ang ating Inang Kalikasan laban sa mga sumisira rito kabilang na ang mga basura na maaari rin namang pakinabangan sa huli.

Ayon kay Villar, panahon na upang tuluyang magkaisa ang bawat isa upang matiyak ang pangangalaga sa kalikasan dahil hindi ito para sa kanilang mga nagkakaedad na o sa kasalukuyan kundi para sa mga susunod na salinglahi.

“We are here because we take our role seriously as environmental stewards. It is our responsibility to ensure that natural resources will be available to the future generation. We all depend on natural resources for our livelihood. However, our increasing demands are putting great pressures in the environment and we need to ensure that from here on, all of our actions should be environmentally responsible,” ani Villar.

Iginiit pa ni Villar na hindi natin minana ang ating Inang Kalikasan sa ating mga ninuno kundi hiram lamang natin sa ating mga anak.

Ipinagmalaki at ginawa ring halimbawa ni Villar ang kanilang programang livelihood program sa Las Pinas na napakinabangan ang mga salot na waterlily sa Las-Pinas-Zapote River.

Idinagdag pa ni Villar ang naging kapakinabangan din nila sa mga nakokolektang mga basura sa tahanan na nagiging pataba sa lupa at pananim.

Tinukoy pa ni Villar na dahil sa programang ito ay pinarangalan sila ng United Nation noong 2011 dahil sa kanilang kahusayan sa pangangalaga sa Inang kalikasan.


© 2011 Villar Foundation. All Rights Reserved